Patnubay ng Magulang
Ang karamdamang
SANHI
Ang sanhi ng sakit na
MGA PAGKAKATAON KUNG SAAN NANGYAYARI
Ang unang kaso ng sakit na ito sa Amerika ay napansin noong taon 1970. Lahat ng lahi, ay puedeng madapuan ng sakit na ito, bagamat ang mga anak na Hapon ang tinuturing na nangunguna sa panganib na madapuan sa sakit na ito. Ang mga anak ng lahing Itim ay pangalawa sa naaapektuhan, at ang kasunod ay ang mga anak ng lahing Puti. 85 porciento ng mga kaso ay nakikita sa mga batang may edad na kulang sa limang taon lalo na sa mga bata na may edad na isa o dalawang taon. Ang mga sanggol ay madalas na naiiba ang kanilang sintomas at madalas ang mga lalaking sanggol ang nagkakaroon ng matinding problema sa mga ugat ng puso. Sa mga huling pagsusuri, napatunayang din na ang sakit na ito ay maaring maging sanhi ng lumolobong ugat sa puso sa mga batang may edad na higit anim na taon. Mas madalas ang sakit na ito sa mga kalalakihan kumpara sa kababaihan (1.5 : 1) Hinde pa tiyak ang tunay na bilang kung ilan sa mga bata sa Amerika na mayroon nito taon-taon, subalit ang tantiya ay may 2000 hanggang 3000 kaso taon-taon base sa mga batang naoospital.
PAANO NANGYARI
Sa mga batang may sakit na ito, ang namamatay dahil sa komplikasyon sa puso ay 0.3%.
Ang sakit ang nagiging sanhi ng malawakang pagkalat ng
pamamaga ng mga ugat sa buong katawan patungo sa mga
ugat ng puso (coronary arteries). Sa unang dapo,
magiging kapansin-pansin ang pamamaga ng maliliit na ugat. Susunod na mamamaga ang katamtamang ugat ng kalamnan (medium-sized
muscular arteries), kasama na ang mga ugat sa puso na paguumpisahan ng
paglolobo ng ugat (coronary artery aneurysms). Ang pamamaga ay umaabot hanggang
balok (lining) ng puso at sa mismong kalamnan ng puso
(myocarditis), pati pamamaga ng balbula ng puso (valvulitis). Ang pamamaga ng
coronary arteries ay puedeng makita sa Echocardiogram
pagkalipas ng 7 araw ng paglalagnat. Ang mga naaapektohang ugat ay patuloy na lumulobo at magiging mas malaki pagkaraan ng 4 hanggang 6
na lingo simula ng magkaroon ng lagnat. Dahil ang pagdaloy ng dugo sa lobong ugat ay hinde
malakas, ang pamumuo ng dugo (blood clot) ay maaring mangyari. Sa katagalan, ang mga nadamay na ugat ay maaring gumaling
din dahil sa dumadagdag na “cells” sa ugat. Subalit ito ay nagiging sanhi din sa paghihigpit o pagbara sa magkabilang dulo ng lobong ugat
(aneurysm). Ang pamamaga ng kalamnan ng puso (heart muscle) sa maagang sintomas
ng sakit na
MGA SINTOMAS
Wala pang magandang resulta sa mga ginawang pag-aaral ng sakit na
ito.Kaya lamang ito nalaman ay dahil sa “specific clinical criteria” na ginawa
namamaga.
Ang mga pantal na sanhi ng
sakit na
Kadagdagang sintomas ay ang pagiging bugnutin (irritability) na magtatagal habang may sakit .Sa pagsusuri ng tubug sa buto ng likod (spinal fluid) ay puedeng malaman ang pagkakarron ng kaunting inpeksyon (meningitis) (inflamation of the spinal fluid). Ang pansamantalang rayuma ay mangyayari sa isa bawat tatlong pasyente na maguumpisa sa maliliit na buto hanggang sa kasu-kasuan. Karaniwan din ang pagtatae, pagsusuka, at ang pagduduwal. Puede ring maramdaman ang sakit sa apdo at sakit sa tiyan. Ang “diagnostic criteria” ay dapat maging gabay lamang, dahil may mga bata na nagkakaroon ng paglolobo sa ugat (aneurysms) na hinde umaayon sa “diagnostic criteria”
Ang sakit na
Ang pinakamatinde ay magsisimula sa akyat/pababa ng lagnat na magtatagal ng 5 araw o higit pa (11 araw sa mga hinde nabibigyan ng lunas). Ang mga sintomas ay mapapansin sa unang lingo. Kadalasan isang sintomas ang lilitaw habang ang ibang sintomas ay nawawala kayat nagbibibay hirap sa pagsusuri, lalo na sa mga batang sinusuri ng iba-ibang manggagamot mula sa paguumpisa ng sakit.. Magkakaroon ng rayuma sa maliliit na buto sa kada isa sa bawat tatlong pasyente. Sa echocardiography ay malalaman kung
normal ang pintig ng puso ayon sa hubog at laki ng ugat.
Sa medyong matinding sakit, ito ay magsisimula sa pagbaba ng lagnat, ngunit nandoon pa rin ang pagakyat/pababa ng lagnat. Makikita ang pagbabalat ng kamay at talampakan simula sa ilalim ng mga daliri (periungal desquamation). Kung magkakaroon ng rayuma, ang madadamay ay yaong mga mabigat na kasukasuan. Ayon sa pagsusuri sa laboratorio, nagkakaroon ng malaking karagdagan sa bilang ng maliliit na nabuong dugo (platelet) at karagdagan din sa protina ng dugo na nagiging sanhi ng pamumuo (clotting). Mapapansin din ang anemia o kakulangan ng dugo. Sa mga pasyente na nagkaroon ng kapinsalaan sa ugat ng puso, ang paglalaki, at ang baradong dugo ay mapapansin sa pagsusuri ng echocardiogram.
Ang ikatlong bahagi ay ang pagpapagaling at pagpapahinga ng bata . Habang gumaganda na ang pakiramdam ng bata, ang paglolobo ng ugat sa puso ay magpapatuloy hanggang 4 o 6 na linggo mula ng magkaroon ng lagnat.
MGA NAKIKITA SA PUSO
Habang nasa kaselanan
ng sakit, ang pamamaga ng laman(muscle inflammation)
ay matatagpuan sa lahat ng batang may sakit ng
Ang pamamaga ng balbula ng puso (Valvulitis) ay maaring mangyari sa kaselanang bahagi ng sakit. Ang pagtagas ng tinatawag na“mitral valve (mitral regurgitation) na puedeng mangyari kahit na magaling na ang pasyente ay dahilan ng kakulangan ng dugo dumadaloy sa “papillary muscle”na nakakatulong sa puso ng mga batang may lobong ugat (coronary aneurysms).Ang isang uri ng komplikasyon ng balbula ng puso ay isang kakaibang resulta na minsan ay nangangailangan ng paggamot sa pamamagitan ng operasyon.
Ang pinakaimportanteng komplikasyon ng sakit na
Ang hinde pangkaraniwan ugat sa puso (coronary artery abnormalities) ay kalimitang hinde mapupuna hanggang sa ikalawang lingo mula sa paglalagnat. Ang apektadong ugat ay patuloy na lumulobo at aabot sa pinakamalaking sukat hanggang sa ikaapat ng linggo ng sakit . Malalaman sa Echocardiography ang paglolobo ng mga ugat na malapit sa puso.
Ang pagdaragdag ng mga bagong dugo (platelet cells) na tumutulong sa pagbabara ay naguumpisa habang nasa medyong grabeng kasenalan ng sakit. Kung magkakaroon ng pamumuo ng dugo (clot) sa ugat ng puso, ang atake sa puso ay puedeng mangyari dahil sa kakulangan ng “oxygen” na kailangan ng puso. Ang mga batang na nagkaroon ng pinakamalaking paglolobo ng puso, ang pinakamatinde na magkaroon ng pagbabara ng puso.
Sa paglipas ng panahon, ang
paglolobo ng ugat ay maaring gumaling upang mabawasan ang pinsala ng paninikip
ng ugat sa puso. Kadalasan mga isa o dalawang taon mula ng gumaling sa sakit. Kalahati ng mga kaso, ang mga lumobong ugat ay
babalik din sa normal na laki. Ang pagbabalik sa normal, ay nakabase kung gaano napinsala ang lumobong
ugat.Kapag ang paglolobo ng ugat ay mas malaki, mas mahirap bumalik ang tamang
sukat ng ugat sa puso. Ang pagaling ng ugat hinde talagang magiging normal na
Sa paglipas ng taon, ang pagsisikip ng ugat ay maaring mangyari sa mga lumobong ugat. Kung gaano kalaki ang lumobong ugat ay mas malubha din sa pagsisikip ng ugat, dahil maaring maapektuhan ang daluyan ng dugo patungo sa kalamnan ng puso. Kung hinde magkakaroon ng panibagong maliliit na ugat (collateral circulation), ang atake sa puso ay puedeng mangyari. Ang pagsisikip ng ugat na patungo sa puso (coronary artery) ay mahirap makita sa “echocardiograms.” Ang dapat ay maeksamen sa pamamagitan ng espesyal na instrumento katulad ng “Heart catheterization.” Ito ay karaniwang ginagawa pagkalipas ng isang taon. mula sa paggaling at ang sintomas ay hinde makita sa karaniwang pagsusuri (noninvasive testing).
MGA PARAAN NG PAGGAMOT
Gamma Globulin Therapy. Ang
paggamit ng suwerong gamot (IVIG) ay nagpapadali sa
paggaling ng sakit na
Aspirin Therapy. Sa
simulat simula, ang aspirina ang iginagagamot sa sakit na
Therapy in Patients with Aneurysms. Ang mga batang nagkaroon ng paglolobo ng ugat ay nangangailangan ng mahabang gamutan upang maiwasan ang pagbabara ng dugo sa ugat. Ang “aspirin therapy” pa rin ang karaniwang gamot sa mga batang nagkaroon ng paglolobo ng ugat.
Para sa mga lumobong malalaking ugat, ang “anticoagulation therapy” ay dapat sundin (gamut para lumabnaw ang dugo). Ang “anticoagulants” katulad ng heparin o warfarin (Coumadin) ay nagpapabawas ng pagbabara ng dugo sa pamamagitan ng paggalaw ng protina sa dugo na siyang sanhi ng pagbabara. Ang paggagamot ng Coumadin ay nangangailangan ng pagsusuri ng dugo buwan buwan. Maraming bata na nagkaroon ng malalaking ugat na lumobo, ay nagagamot ay nagagamot din sa paggamit ng Coumadin at aspirina. Maari ding igamot ang heparin sa halip na Coumadin. Ang paggagamot ay sa pamamagitan ng ineksyon dalawang beses isang araw. Ang mga gamot na nakakaapekto ng cells ng dugo katulad ng clopidogrel o plavix ay puedeng gamitin kasabay ng aspirina. Ang clopidogrel ay madalas inululunas sa mga nasa hustong gulang (adults) na nagkaroon ng sakit sa puso. Sumangguni sa Espesyalista sa puso (Cardiologist) ukol sa tamang paggagamot para sa iba-ibang kaso.
Dahil ang aspirina ay nauugnay sa “Reye’s syndrome”, ang mga batang umiinom ng aspirina araw-araw ay kailangan magpapabakuna ng influenza taon-taon. Kapag ang bata ay nagkaroon ng influenza o chickenpox, dalawang sakit na nauugnay sa “Reye’s syndrome” at aspirina , ang aspirina ay dapat itigil pansamantala. Ang aspirina ay dapat iwasan ng 6 na linggo pagkatapos mabigyan ng chicken pox vaccine ang pasyente. Ganon pa man, ang ibang gamot na magpapalabnaw ng dugo ay puedeng ipalit sa aspirina.
Kapag nagkaroon na ng pagbabara ng dugo sa lumobong ugat, na nakita sa pamamagitan ng echocardiography o sintomas ng atake ng puso (heart attack), dapat ito ay magamitan ng “special treatment” upang maiwasan ang pamumuo ng dugo, tunawin ang buong dugo at mabigyan proteksyon ang kalamnan ng puso. Ang “special treatment” ay katulad ng ginagawa ng mga matatanda na may sakit ng puso.
May mga bata na nagkakaroon ng mga sintomas na sanhi ng pagsisikip ng ugat sa puso, dahil walang ibang daanan ang dugo (alternative pathways) na magdadala ng oxigina (oxygen) patungo sa kalamnan ng puso. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng pananakit ng dibdib o sa isang pagsusuri ng espesyal na instrumento ukol sa pagdaloy ng dugo. Kapag nangyari ito, ang Espesyalista sa puso (Cardiologist) ay magrerekomenda ng “cardiac catheterization” o “coronary artery bypass operation”.
SA KABUOHAN
Sa kabuohan, ang sakit na